Dagupan City – Senyales na mas iinit pa ang pulitika sa nalalapit na 2025 Elections dahil sa pagbitiw ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim sa sektor ng edukasyon.

Ito ang binigyang diin ni Atty.Michael Henry Yusyingco, Political Analayst sa naging panayam sakaniya ng Bombo Radyo Dagupan hinggil sa umano’y pagbitiw ni Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at co-vice chairperson ng National Task Force to End local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Aniya, lumalabas kasi na malinaw na nangingibabaw na ang Marcos sa adiministrasyon kung kaya’t inaasahan na marami na namang ang magbabalimbing kung sino ang kanilang kapanig.

--Ads--

Tinawag naman ni Yusingco na “nabudol” ang 31 Milyong boto ng Marcos-Duterte o kilala bilang UNITEAM, dahil na rin sa mukhang umaasa ang mga botante na sa buong 6 na taon ay magiging magkaalyado ang dalawa sa pamahalaan ngunit lumalabas na nabuwag na ang mga ito.

Dagdag pa ni Yusingco, ginamit lamang ng ng Marcos-Duterte ang kanilang tandem sa panahon ng eleksyon at hindi talaga iyon pang-matagala at ito naman ang hindi nakita ng mga botante, na siyang nakakasira sa demokrasya ng bansa.

Samantala, isa pa sa nakikitang dahilan kung bakit nagbitiw na ang bise presidente, ay dahil sa hindi na nito kayang makisama sa mga gabinete ng pangulo dahil na rin sa mukhang tinitignan na niya ang mga ito bilang kaaway.