BOMBO DAGUPAN- Paglilinis sa hindi magandang imahe ng Liberal Democratic Party.
Ito ang layunin ni Prime Minister Fumio Kishida sa kaniyang pagbitiw sa pwesto sa susunod na buwan, Setyembre.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa Japan, sumunod si Prime Minister Kishida sa panunungkulan matapos paslangin ang kanilang dating punong ministro na si Shinzo Abe.
Nagsimulang bumaba ang suporta ng publiko sa LDP dahil sa unification church ni dating Prime Minister Shinzo Abe.
Wala din umanong records o transparency ang LDP sa tuwing namamahagi ito ng pera sa kanilang mga events.
Lalo pang bumaba ang suporta ng partido nang hindi tumugon ni Kishida sa pagtaas ng gastusin sa pamumuhay sa Japan.
At dahil dito, sa tatlong taong pamumuno ni Abe ay lagi lamang natatalo ang LDP sa tuwing eleksyon.
Gayunpaman, nangangahulugan lamang ang pagbitiw nito ng pagkawala ng pagkakataon na mahalal pa ang kaniyang partido.
Samantala, umaasa naman ng mga tao na tataas na ang sahod ng mga manggagawa sa Japan sa tulong ng magiging bagong punong ministro.
Inaasahan din ang pagharap nito sa tensyon sa China.
Sa kasalukuyan ay may 7 mga politiko ang inaasam ng publiko sa Japan na maging political leader party.