BOMBO DAGUPAN – Hindi gaya sa Pilipinas na sa tuwing November 1 at 2 lamang ang pagbisita ng mga tao sa sementeryo, maiba sa bansang Japan dahil ilang beses ang pagpunta ng mga hapon sa sementeryo.

Ayon kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa Japan, sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, hindi lang sa isang beses sa isang taon ang pagpunta ng mga hapon sa sementeryo.

Maraming festival sa Japan kung saan ay inaalala ang kanilang namayapang mahal sa buhay.

--Ads--

Sinabi ni Galvez na pinakauna ay ang pagsisimula ng spring season sa March 21 kung saan karamihan sa mga Japanese ay nagtutungo sa puntod ng kanilang mga ninuno at kamag anak namayapa na.

Sunod dito ang Obon festival na isang traditional Buddhist holiday na ginaganap sa August 13 hanggang 16 at pangatlong punta nila sa sementeryo ay sa Autumn season na pumapatak sa September 21 o September 23

Maging ang Enero 1, ay pinupuntahan din ng mga Japanese ang mga namayapang kamag anak sa sementeryo at sa araw ng kaarawan mismo ng yumaong mahal sa buhay.

Ang mga nagpupunta sa sementeryo ay nagdadala ng mga bulaklak, kandila, insenso at inuming tea, beer o tubig.