DAGUPAN CITY- Kaabang-abang sa Japan ang 3-day visit ni US President Donald Trump upang makipagkita kay Emperor Naruhito at newly-appointed Prime Minister Sanae Takaichi.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa Japan, alas-5 ng umaga kahapon nang makarating si Trump at gabi nang makasama nito ang bagong emperor ng bansa.

Aniya, nakatakda naman ngayon araw ang pakikipagkita niya Prime Minister Takaichi.

--Ads--

Inaasahan na sa pagkikitang ito ay papaigtingin pa ang US-Japan Alliance at patatagin pa ang military security.

Tatlong araw mananatili ang pangulo sa bansa bago nito daluhan ang APEC summit sa South Korea sa miyerkules.