DAGUPAN CITY- Naging aktibo ang monitoring na isinagawa ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa bayan ng Binmaley sa mga bumibisita sa sementeryo.
Ayon kay Armenia Delos Angeles, Officer in charge ng naturang ahensya, mas kaunti ang bumisita sa kasalukuyang taon kung ikukumpara ito sa naging pagdagsa noong 2024.
Aniya, dalawang public cemetery ang kanilang binabantayan, isa sa Dulag at isa naman sa Mabini Street.
Habang dalawang memorial park naman, isa sa Mabini Street at isa naman sa Caloocan Norte.
Binabantayan din nila ang pagpunta ng mga tao sa bahagi ng Baywalk.
Simula pa lamang ng October 31 ay nagsimula na sila sa pagbabantay, alinsunod sa kautusan ni Municipal Mayor Pedro Merrera III.
Samantala, naging maayos at mapayapa ang paggunita ng undas sa nasabing bayan.
Ito ay dahil aniya sa tulong-tulong na pwersa ng lokal na pamahalaan, mga kaugnay na ahensya, at maging ang mga volunteers.










