Dagupan City – Resulta lamang ang pagbilis ng inflation rate sa bansa ng hindi pagtutok ng pamahalaan sa pangmatagalang tugon sa sektor ng agrikultura.

Ayon sa Executive Director ng Ibon Foudnation na si Sonny Africa, nasa tinatayang 16 Milyong Pilipino kasi ang patuloy na nagsasabing hnaghihirap sila at walang ipon.

Kung saan, kahit pa may mga trabaho naman ang mga ito ay pawang kontraktwal lamang o hindi reguklar kung kaya’t hindi nakakakuha ng benepisyong dapat nilang makamit.

--Ads--

Hindi rin umano sigurado kung naibibigay ba ang minimum wage gayong wala naman silang karapatan para dumaing sa kanilang mga employers.

Ayon sa ulat, bumilis ang inflation rate o ang pagtaas ng pangkalahatang antas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa noong buwan ng Nobiyembre 2024.

Ito na umano ang ikalawang sunod na buwan na nakapagtala ng mabilis na inflation mula sa 2.3% na inflation na naitala noong Oktubre.

Hingiil naman sa pagtugon ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura, mukhang kulang na kulang aniya dahil hindi pa rin handa ang pamahalaan sa anumang banta ng bagyo gayong alam na na nasa tinatayng 20 bagyo kada taon ang dumarating at nararanasan sa Pilipinas.

Dagdag pa rito, kailangan aniyang suportahan ng pamahalaan ang ssektor ng agrikultura, palay, at irigasyon – ngunit sa nangyayari, binawasan pa umano ang budget ng irigasyon sa bansa para sa 2025 ng nasa P10 Bilyon.