Ramdam ang mataas na volume ng mga sasakyan sa mga pangunahing kakalsdahan dito sa lungsod ng Dagupan ngayong nagbalik eskwela na ang mga estudyante.

Kaya naman kaugnay nito ay mas lalong tinutukan ng public order and safety office ang mga eskwelahan na malapit sa highway gaya na lamang sa bahagi ng tapuac kung saan nariyan ang isa sa malaking paaralan na Dagupan City High School maging sa bahagi ng Población Oeste ang West Central School at iba pang mga paaralan.

Dahil dito ay ramdam ang bigat ng trapiko lalo na sa oras ng alas syete hanggang alas dyes at sa hapon naman ay alas tres hanggang alas sais ng gabi.

--Ads--

Ayon sa opisina ng POSO Dagupan City, isa sa kanilang mga isinagawang hakbang upang Kahit papaano ay maibsan ito nagdagdag sila ng mga road signages sa mga lugar na naglilimit ng loading at unloading at karagdagang traffic cone.

Anila na mahigpit nila itong babantayan sa araw ng may pasok upang mamonitor ang lagay ng mga kakalsadahan sa lungsod.

Panawagan ng mga ito sa motorista na sundin ang mga ipinapatupad na batas trapiko sa syudad upang maiwasan ang pagkakaroon ng problema