DAGUPAN, CITY – “Chaos in the Conservative Party.”

Ganito ang paglalarawan ni Bombo International Correspondent Grant Gannaban-O’Neill mula sa United Kingdom ang naging kinahinatnat ng pagbibitiw sa pwesto ni Prime Minister Liz Truss.

Ayon kay Gannaban-O’Neill, bilang parte ng Conservative party si Truss nadagdagan ang tiwala ng mga MP sa naturang partido kaya naman mas umugong ngayon ang pagsasagawa ng national election upang makapamili ng susunod na uupo bilang Prime Minister.

--Ads--

Aniya, kapag nangyari ito, magiging malaking problema ito ng nabanggit na partido lalo na at matunog ngayon maaring manggaling sa Labor Party ang maaring mapili lalo na at marami ngayon ang sumusuporta sa kanila.

Matagal din kasing mula sa Conservative party ang naluluklok sa nabanggit na pwesto gaya na lamang nila David Cameron, Theresa May, Boris Johnson at si Truss.

Bagaman walang direktang problema ang pagbibitiw ng naturang PM sa pamahalaan ng UK, ngunit sa pagtataya ni Gannaban-O’Neill ay maaring makapagbawas sa tiwala ng mga MP sa naturang partido.

Matatandaang matapos ang ilang araw na panawagan ng mga Members of Parliament na magbitiw sa puwesto si Truss ay tuluyan na itong nagbitiw dahil sa hindi epektibo ang ipinatupad nitong tax-measures.