Dagupan City – Kinakitaan bilang magandang hakbang ang pagbibitiw bilang lider ng Liberal Party ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau para sa ekonomiya ng bansang Canada.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ruth Marie Magalong – Bombo International News Correspondent sa Canada, kung aanalisahin kasi ang mga pangyayari ay malinaw na inisip ni Trudeau ang kapakanan ng mga residente sa bansa.

Dahil dito, tinawag naman niyang “graceful exit” ang pagbibitiw dahil sa pakikinig ni Trudeau sa mga ilang probinsya sa bansa na nais na siyang maalis sa pwesto bunsod sa kadahilanang hindi na sila masaya sa kaniyang pamamalakad.

--Ads--

Bagama’t naging masaya at minahal ang lider ng mga residente sa Canada gano’n na rin ng ilang mga Filipino doon, naniniwala naman ang mga ito na hindi na siya ang karapat-dapat na mamuno pa sa bansa at mapili sa nalalapit na election sa buwan ng oktubre.

Sa kabila naman ng kagustuhan ng mga ito na mapatalsik na si Trudeau sa pwesto, walang naitalang anumang karahasan sa bansa gaya na lamang ng rally, riots at inaasahan ang magiging mapayapang pagpapalit ng lider.

Nauna nang binigyang diin ni Magalong nahindi niya lang tiningnan ang posisyon at suliranin ng pamahalaan, kundi tinignan niya rin ang agreement at negosasyon sa ibang bansa partikular na sa bansang Amerika matapos na naharap ang mga ito sa krisis mula sa banta ni US President elect Donald Trump na magpataw ng mataas na taripa sa mga produkto mula Canada at ang pagbatikos nito sa halalan.

Samantala, dalawa namang high ranking official, ang nakikitang maaring pumalit sa kaniyiyang pwesto at ito ay ang dati niyang deputy prime minister at governor general.

Si Trudeau ay naging lider ng Liberal Party sa loob ng 11 taon at naging prime minister ng siyam na taon.