DAGUPAN CITY- Talamak na, kabilang ang lalawigan ng Pangasinan, ang pagkakaroon ng mga kaso ng Love Scam.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PLt. Sharmaine Jassie Labrado, Leader, Pangasinan Provincial Cyber Response Team, kadalasan nabibiktima ay mga kababaihan, partikular na ang mga byuda at matatanda na, kung saan ang mga suspek ay magpapanggap bilang isang retiradong pulis o sundalo mula Estados Unidos at pinapangakuan ng kasal.

Aniya, unti-unti nilang nakukuha ang loob ng kanilang mga nabibiktima hanggang sa hingan na nila ito ng pera.

--Ads--

Kaugnay nito, maaaring umaabotsa P400,000 hanggang milyon kabuoang halaga ang naibibgay ng mga biktima sa mga suspek.

Kaya mahalaga ang pag-verify sa mga nakakausap sa online upang maiwasan ito, kabilang na ang paghingi g ID number nito o anumang records na makakatulong sa beripikasyon.

Maghinala na rin kung sunod-sunod itong humihingi ng pera dahil sa samu’t saring rason at hinihiling na sa remitance center ito ipadala.

Samantala, sinabi ni PLt. Labrado na mayroon na silang mga nakasuhan hinggil sa nasabing scamming.

Nagpaalala naman siya na hindi masaam ang pagkakaroon ng virtual relationship ngunit mahalaga ang pagve-verify ng nakakausap upang makaiwas sa anumang klase ng scamming.