DAGUPAN CITY – Nakakaalarma ang kapahamakan na dulot ng pagbebenta at pagbili ng mercury dental amalgam katulad na lamang ng pasta.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan ng kay Tony Dizon, campaigner ng Ban Toxics, kanilang kinakampanya ang pagbabawal nito, alinsunod sa pagsunod sa ipinanukalang Department Order at Guidelines ng Department of Health noong 2020 sa pagphase-out ng paggamit ng Mercury sa dental restorative procedures.
Kasunod din ito sa FDA Circular No.2022-003 ng Food and Drug Administration, na may kaparehong layunin.
Taong 2020 pa itong ipinagbabawal kaya importante itong maintindihan ng publiko at mga dentista.
Ngunit ikinalulungkot naman ni Dizon na kahit matagal na itong ipinagbabawal ay mayroon pa aniya silang nabiling dental supplies sa kanilang isinagawang paglilibot. Gayundin sa kanilang online monitoring sa mga online shops.
Nasa murang halaga lamang ang pagbebenta ng bawat kapsula nito kaya tinatangkilik ng karamihan.
Nagpaalala naman si Dizon na mabuting tanungin muna sa dentista ang mga gagamitin sa isasagawang procedure dahil may mga alternatibong namang mas ligtas.
Hinihikayat naman niya na itigil na ng mga suppliers na ibenta ito dahil malinaw naman na ipinagbabawal na ito sa bansa.