Maituturing parin na panalo para sa Pilipinas ang naging negosasyon ni Pangulong Marcos at US President Trump dahil nasa 19% tariff na lamang ang kanilang ipinataw sa bansa kung saan isang porsiyento lamang ang binawas sa orihinal na 20% na taripa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual – Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa kung titingnan ay tila maliit ang 1% na pagbabago ngunit sa laki ng kalakalan at dami ng produkto, malaking halaga ang katumbas nito.
Bagama’t ay ipinunto niya na habang ang mga produkto mula sa Amerika ay maaaring makapasok sa Pilipinas nang walang taripa (zero tariff), ang mga produktong galing sa Pilipinas ay kailangang harapin ang 19% na taripa sa U.S. market.
Kung titingnan ay tila mayroong mismatch pagdating dito pero ani Pascual na may mas malalim pa na dahilan sa likod nito at hindi papayag si Pangulong Marcos na malugi.
Dahil sa usapin palang sa isyu sa West Philippine Sea ay patuloy na ang pagpapadala ng Estados Unidos ng military assistance sa bansa isang bagay na itinuturing nito na “malaki” at mahalaga lalo na sa harap ng mga tensyon sa rehiyon.
Samantala, inihayag naman ni U.S. President Donald Trump na isang “beautiful visit” ang naging pagdalaw ni PBBM, isang pahiwatig ng mainit na pagtanggap at lumalalim na ugnayan ng dalawang bansa.
Sa kabila ng ilang agam-agam sa trade terms, naniniwala ang administrasyon na “panalo” ang Pilipinas sa kabuuan ng biyahe bagama’t isang porsyento lamang ang bawas sa nasabing taripa.