Kinondena ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Pangasinan Chapter ang pagbaril at pagpatay sa isang abogado sa Talavera, Nueva Ecija.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Teodora “Doray” Cerdan, pangulo ng Integrated Bar of the Philippines (IBP Pangasinan Chapter), na nakalulungkot na may mga napapatay na abogado.
Batay umano sa rekord, simula pa noong Hulyo 2016 hanggang sa kasalukuyan ay mahigit 4o abogado na kabilang ang mga private practitioner, piskal at hukom ang napatay kung saan 24 sa mga ito ay practicing lawyer.
Matatandaan na ang biktimang si Bayani Dalangin, 73 anyos ay pinaulanan ng bala sa loob mismo ng kaniyang law office sa barangay Poblacion, Talavera, Nueva Ecija.
Nasa loob ng kaniyang law office ang biktima nang biglang pumasok ang hindi pa nakikilalang gunman at biglang pagbabarilin ang abogado.
Kabilang sa tinitignang anggulo sa krimen ay ang posibleng may kinalaman sa kanyang trabaho.