DAGUPAN CITY- Buong tinututulan ni Bagong Alyansang Makabayan Secretary General Raymond Palatino ang plano umanong pagbantay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Bicam para sa 2026 National Budget.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakaniya, walang kinalaman ang punong ehekutibo sa proseso ng lehislatura.

Aniya, kung seryoso ang pangulo sa pondo ng bayan ay gawin bukas sa publiko ang pagdinig ng Bicam at hindi lamang resulta ang isisiwalat.

--Ads--

Kung wala naman itinatago ang Bicam, bakit hindi nalang magkaroon ito ng livestreaming upang mabantayan ng bawat Pilipino ang proseso nito.

Gayunpaman, hindi lamang ito usapin ng pagbantay niya sa Bicam at kanilang hinahamon ang pangulo na tanggalin na ang pork barrel sa budget.

Aniya, mas mabuting idiretso nalang ang mga nasabing budget para palakasin pa ang public service sa bansa.