DAGUPAN CITY–Sumentro sa pagbangon ng ekonomiya sa lungsod ng Dagupan ang online o virtual state of the City address kahapon ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim.

Ipinagmalaki ng alkalde ang ibat ibang proyekto sa kanyang administrasyon na kinabibilangan ng mga proyekto kaugnay ng waste management, problema sa baha at social services.

Malaki na umano ang ipinagbago ng lungsod pagdating sa usapin ng basura at kalinisan.

--Ads--

Malaking hamon din sa kanyang administrasyon ang naging epekto ng covid-19 sa lungsod.

Maraming Dagupenio ang naapektuhan at bumagsak ang ekonomiya pero nakahanda ang LGU na tumulong sa mga apektado.

Dagupan City Mayor Marc Brian Lim

Nabatid na humigit kumulang 14 na buwan nang naninilbihan si Lim bilang alkalde ng siyudad.