DAGUPAN CITY- Hindi bababa sa 24 katao ang nasawi at 25 mga batang kababaihan dumalo ng summer camp ang patuloy pinaghahanap matapos manalasa ang flash flood sa Texas, US State.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa USA, hindi pa tiyak ang kabuoang bilang ng mga nasawi at nawawala at posible pa itong tumaas pa.

Gayunpaman, umaasa pa rin si Texas Governor Freg Abbott na matatagpuan pang buhay ang mga nasabing nawawalang kababaihan.

--Ads--

Isinasagawa na rin ang overnight search and rescue operation.

Samantala, nagdulot ng mabilis na pag-apaw ng lebel ng tubig sa Guadalupe River ang naranasang pag-ulan at naitala ang 6.7 meters na pagtaas ng lebel sa loob ng 2 oras.

Inaasahan na rin ang nasabing pagbaha matapos maitala ang umaabot sa 9 meters ang rain-water.

Gayunpaman, ang hindi lamang inasahan ay ang dami ng ulan at ang bilis nito.

Sa kabilang dako, ikinagulat naman ni US Pres. Donald Trump ang naturang insidente na naganap sa araw ng kanilang paggunita ng Independence day.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang mga inihandang aktibidad, katulad na lamang ng parade at firework displays.

Bagaman may pangamba ng karahasan o terorismo na posibleng sumiklab, nananatili pa rin alerto ang mga tao.