DAGUPAN CITY- Nakapagtala na ang Local Disaster Risk Reduction Management (LDRRM) sa bayan ng Lingayen ng pagbaha sa kanilang 32 na mga barangay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kimpee Jayson Cruz, LDRRM Officer III, labis nilang tinututukan ay ang mga barangay na malapit umano sa kaliguan.

Aniya, karamihan na rin sa kanilang nailikas ay ang mga residente sa mga Barangay na malapit lamang sa nasabing lugar.

--Ads--

Hinihikayat pa nila ang mga residente na magsagawa ng pre-emptive evacuation at lumikas na sa mga bukas na evacuation areas.

Ani Cruz, maliban sa evacuation centers ay binuksan din ang mga paaralan upang maging evacuation area.

Samantala, may ilan na rin na mga daanan sa bayan ng Lingayen na hindi na kakayanin pang daanan ng mga light vehicles.

Nakahanda naman ang kanilang local government para sa mabilisang pagtugon sa mga mangangailangan ng tulong.

At sa ilalim ng State of Calamity, magagamit umano nila ang Quick Respond Fund upang makabili ng mga prayoridad na pangangailangan ng kanilang nasasakupan.