DAGUPAN CITY- Isang magandang indikasyon ang naitala ng Armed Forces of the Philippines na paunti-unti nang nababawasan ang mga barko ng China sa West Philippine Sea.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Fernando Hicap, chairperson ng PAMALAKAYA, maaaring nakakaapekto pa din sa malalaking barko ng China ang sunod-sunod na masasamang panahon.
Kung tutuusin naman talaga ay karapatan din ng China ang maglayag subalit, ang pagbabawal nila sa Pilipinong mangingisda na maghanap buhay sa karagatang atin ang nagdudulot ng problema.
Kaya umaasa si Hicap na magpapatuloy ang pagbawas ng barko ng mga China dahil wala naman basehan ang mga ito para sa kanilang patuloy na pananatili sa karagatan ng Pilipinas.
Makakatulong na din ito upang magkaroon ng mapayapang pagresolba sa usapin at maiiwasan pa ang banta ng giyera kung lalo pang lumaki ang girian.
Para sa kaniya, mas mabuting ilaan para sa mga mangingisda ang exclusive economic zone ng bansa upang magkaroon ng mapayapa at malayang pangingisda ang mga ito.