DAGUPAN, City- Umani ng samu’t saring reaksyon ang isinulong na Bill ng bansang Canada na nagbabawal sa pagbili ng mga foreign businessmen ng bahay sa kanilang bansa.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Ruth Marie Magalong, ang naturang bill ay naglalayong maprayoridad muna ang mga Canadian citizens, mga middle class workers at mga nangangailangang pamilya ng isang house property.
Aniya, ito ay matapos na sinasamantala umano ng mga foreign investors ang pagbili ng mga bahay dahil sa mataas na presyo nito na nagreresulta na nawawalan naman ang mga Canadian citizens at mga may green card ng mga bahay na kanilang mabibili upang matirahan.
Kaya naman labis na ikinatuwa ng mga mamamayan doon ang naturang bill dahil ito ay makakakatulong sa kanilang lalo na ngayong taglamig.
Sa kabilang banda, mariin naman tinututulan ng mga businessmen doon ang naturang desisyon ng pamahalaan dahil sa hindi ito paborable para sa kanila.
Ibinahagi rin ni Magalong na ang kabisera na Vancouver ang may pinakamataas na halaga ng isang housing property dahil na rin sa magandang pamumuhay, opurtunidad, sentro ng edukasyon at komersyon dahil sa magandang temperatura nito.
Habang ang mga ibang estado naman na may malamig na temperatura ang madalas na may mababang halaga ng presyo ng bahay.