Dagupan City – Malinaw na hudyat ng pagbabago ng political culture sa bansa ang naging hakbang ng Civil Service Commission o CSC sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na makilahok sa mga partisan political activity.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, layunin kasi nito aniya na pagbawalan ang mga regular na empleyado ng gobyerno sa pag-like, share at iba pang katulad na aktibidad sa social media sa panahon ng kampanya para sa darating na May 12 elections.

Aniya, nauunawaan niya ito dahil ayaw lamang ng Civil Service Commission na magkaroon ng hindi patas na laban ang mga aspiring candidates.
 
Dito na ipinaliwanag ni Yusingco ang mga sitwasyon gaya na lamang ng paggamit ng mga opisyal ng pamahalaan ng kanilang kapangyarihan sa pag-endorso ng isang kandidato partikular na ang mga incumbent public official.

--Ads--

Gaya na lamang ng pagbabawal sa mga political activities sa kanilang mga bayan o barangay kung hindi iyon ang kanilang political color. ani Yusingco, mahigpit itong ipinagbabawal dahil may kalayaan ang mga kandidato na mangampanya at maglatag ng kanilang plataporma.

Hinggil naman aniya sa mga ginagamit na Political speech ng mga kandidato, dapat ay maging matalino aniya ang mga botante gaya na lamang ng nangyaring pambabastos sa mga single mom sa Pasig at mga babaeng mag-aaral sa Misamis Oriental. Malinaw aksi aniya na ito ay pasok sa kapangyarihan ng Commission on Elections o Comelec na bigyang kontrol ang mga responsableng aspiring officials.

Kaugnay nito, sinabi ni Yusingco na matatawag na unti-unti na ring nagbago ang Political culture sa bansa dahil ang mga dating nakasanayan na akala’y normal ay unti-unti na ring binibigyang pansin.