Dapat higpitan pa ang pagbabantay ng probinsya sa mga pumapasok na pork products galing sa ibang lalawigan.
Sa panayam ng bombo radyo kay Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), ikinumpara niya na sa ibang probinsya ay agad kinukumpiska ang mga pork products mula sa lalawigan ng Pangasinan.
Samantala, sa probinsya natin pinapapabalik muna ang mga nasasabat na mga produkto sa pinanggalingang probinsya pero kung matigas ang ulo at mahuli sila sa susunod na pagkakataon ay doon na kukumpiskahin ang kanilang produkto.
Binigyang diin ni So na dapat sersyohin ng mga LGUs ang ipinatutupad na ban sa mga pork products galing sa ibang probinsya.
Matatandaan na naglabas ng Executive order 92 series 2019 si Pangasinan governor Amado “Pogi” Espino III na nagbabawal sa pagpasok ng mga swine products dito sa lalawigan matapos tinamaan ng African Swine Fever ang mga namatay na alagang baboy sa ilang bahagi ng bansa partikular sa Rizal at Bulacan.