DAGUPAN CITY— Mahigpit ngayong binabantayan ang mga residente ng Brgy Libsong West sa bayan ng Lingayen matapos na mapaulat ang pagkasawi ng isang Patient Under Investigation mula sa kanilang barangay sa Regon I Medical Center.

Itoy bunsod ng umiiral na extreme enhanced community quarantine sa nabanggit nA barangay matapos masawi ang isang Patient Under Investigation (PUI) ng Coronavirus disease sa Region 1 Medical Center mula roon na napag-alamang department head sa munisipyo ng bayan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, inihayag nito na mas pag-iigtingin pa ng kanilang tanggapan ang pagbabantay sa mga entry at exit points lalo na sa barangay Libsong West kung saan nakatira ang nasawing pasyente.

--Ads--

Dagdag pa ni Bataoil na mas mabuti na lamang na maihanda ng kanilang lokal na pamahalaan ang nasasakupan upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus sa kanilang bayan.

Pinaalalahanan din ni Bataoil ang publiko na manatili muna sa kanilang mga tahanan ang mga residente doon sapagkat maigi pang sinusuri ang nasabing PUI.

Napag-alamang ang biktima ay may bumiyahe umano sa Maynila upang sunduin ang kanyang anak doon noong Marso 16 at nakadalo pa ito sa isang department heads meeting bagamat hindi na nagtagal dahil masama ang kaniyang pakiramdam.

Sa ngayon ay hinihintay pa ang resulta ng throat swab na isinagawa sa naturang PUI upang malaman kung positibo ito sa COVID-19.