Halos apat na taong tumutok si Angelica Panganiban sa kanyang pamilya kasama ang asawang si Gregg Homan at three-year-old daughter nilang si Amila Sabine.

Sumabay pa ang pagkakaroon niya ng problema sa kalusugan nang ma-diagnose na mayroon siyang avascular necrosis na isang painful bone condition.

Pero ngayong 2025, nakatapos ng isang pelikula si Angelica para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 at ito ay ang UnMarry.

--Ads--

Paano siya nakumbinsing gawin ang pelikula?
Maganda umano ang atake, nung storytelling, na hindi siya naghihingi ng kahit na anong bigness.

Saad nito na minsan ang pinakamasakit na experience, nangyari siya sa mga pinakasimple at tahimik na pangyayari sa buhay ng isang tao kaya naramdaman ng aktress ang realness.

At sa pelikulang ito, nahanap daw ni Angelica ang tamang timpla para sa kanyang showbiz comeback.
Tinatalakay sa nasabing pelikula ang nakakapagod, nakakahilo, at masakit sa bulsang proseso ng annulment ng mag-asawa.