Umaasa ang ilang mga Pinoy sa Russia na magbabalik normal na ang kalagayan sa kanilang bansa matapos ang sunod sunod na pagsasara ng ilang mga kilalang establisyemento bunsod ng ipinataw na parusa ng ibang mga bansa.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Genevive Dignadice na kanilang hinhiling na magiging maayos na sitwasyon sa mga susunod na buwan dahil aminado itong ramdam nila ang resulta ng pagpataw ng economic sanctions.

Matatandaang kabilang ang McDonald’s, Coca-Cola at Starbucks sa sumali sa listahan ng mga kumpanyang huminto sa negosyo sa Russia dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine.

--Ads--

Sa kabilang banda pabor naman aniya na maayos na silang nakapagpapadala ng pera gayunpaman ay hindi naman pinahihintulutan ang pagtanggap ng pera na magmumula sa ibang bansa

Dagdag nito na wala pa rin umanong anunsiyo sa inaasahang pagputol ng kanilang koneksyon sa paggamit ng ilang social media applications tulad na lamang ng Facebook.

Sa ngayon ay maayos naman ang kalagayan ng mga residente roon sa kabila ng mga naitatalang protesta para kondenahin ang gobyerno ng Russia.

TINIG NI GENEVIVE DIGNADICE