DAGUPAN CITY- Sinimulan na ng Dagupan City Veterinary Office ngayong buwan ng Marso ang pagbabakuna ng Anti-Rabies Vaccine sa mga alagang aso at pusa dito sa lungsod ng Dagupan.
Ito ay kasabay sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month alinsunod sa Executive Order No. 84, Series of 1999.
Ayon kay Dr. Paulo Garcia ang OIC ng nasabing opisina na kaya ngayong buwan sila nag-umpisa sa pagbabakuna dahil sa buwang ito ay medyo umiinit na ang panahon kaya wala na masyadong alagang hayop ang may sakit.
Aniya na mayroon na silang 5 barangay na napuntahan gaya ng Barangay 1& 2, Barangay 3, Barangay 4, Mamalingling at Salisay sa kanilang pagbabakuna mula sa 31 barangay ngunit target nilang matapos ito lahat sa Hunyo.
Karamihan parin aniya sa mga nababakuhan ay mga aso na nasa 80% noong nakaraamg taon habang sa pusa at nasa 20% ngunit medyo nagdagdan ngayon ang porsyento ng pusa umakyat sa 30% pataas.
Samantala, nananatili namang wala pang kaso ng rabies sa Dagupan City ngunit mataas parin ang nagiging bilang ng mga nakakagat o ang animal bite.