BOMBO DAGUPAN – “Nakakalungkot na bagay na bumaba ulit ang ranking natin.”
Yan ang ibinahagi ni Jhay De Jesus, Spokesperson True Color’s Coalition sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakanya kaugnay sa pagbaba ng ranking ng bansa ng siyam na puwesto sa index tracking gender parity ng World Economic Forum (WEF).
Aniya na ito ay nagpapakita lamang ng inconsistency sa kung paano natin tingnan ang equality sa pagitan ng bawat kasarian. Kaugnay na din ang usapin sa trabaho aniya ay dapat lahat ng indibidwal anuman ang kanilang kasarian ay dapat magkaroon ng oportunidad upang makapagprovide para sa kanilang pamilya gayundin para sa kanilang sarili upang makapag-ambag sa ekonomiya bilang isang bahagi ng lipunan.
Hindi dapat tinitingnan sa pagkuha ng mga mangagawa kung ano ang kanilang kasarian kundi kung ano ang kanilang kapasidad, work background at educational background.
Dagdag pa niya na dapat magkaroon ng union na magbibigay boses sa bawat hanay ng mga manggagawa upang ma-address ang mga isyu at concerns partikular na sa ating pangangailangan.
Samantala, habang tayo ay nasa kaligtnaan ng Pride Month aniya ay sana itong buong buwan ay maging reminder hindi lamang sa mga LGBTQIA+ kundi maging sa labas ng kanilang komunidad na dapat ay naiintindihan ang papel ng bawat indibidwal sa lipunan.