Maraming puwedeng gawin sa ating ekonomiya para makontrol ang presyo ng mga bilihin.
Ayon kay Sonny Africa, executive Director ng Ibon Foundation, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, kung nais talagang kontrolin ang presyo ng mga bilihin sa bansa ay marami pang puwedeng gawin sa ating ekonomiya.
Nakukulangan ito sa hakbang ng administrasyon at kanyang binigyang diin na kailangan na paunlarin ang local na agrikultura para maging abot kaya ang halaga ng presyo ng pagkain, lumikha ng trabaho para sa mga magsasaka at bigyan ng sapat na pansin ang pagpapalakas ng industriya sa bansa.
Binigyang diin nito na kaya mahal ang mga bilihin dahil iniaangkat pa ang ilang produkto sa ibang bansa.
Dagdag ni Africa na para mokontrol ang inflation, kailangan ng maraming trabaho at gawing industrialized ang bansa.