DAGUPAN CITY- Pinaghahandaan na ang maaaring pagbaba ng presyo ng karneng baboy sa mga pamilihan.

Ayon ay Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), mayroon nang diskusyon ang mga hog raiser, retailers, at kanilang mga miyembro hinggil sa P230-P240 na pagbaba ng presyo mula sa P240-P250, batay sa kahilingan ng Department of Agriculture (DA).

Aniya, nasa pagitan naman ng P370-P380 ang pagbaba ng retail price.

--Ads--

Sa bahagi naman ng SINAG, nais nilang itulak ang presyong P380 para sa liempo at P360 naman sa kasim bilang pagbasehan sa pagbaba ng presyo at hindi na pumalo pa sa halagang P400. Maging ang mga hog raisers at retailers ay umaasa sa higit-kumulang P10 na pagbaba.

Gayunpaman, pag-uusapan pa ang ipapatupad na suggested retail price.

Umaasa naman si So na mapag-aralan ito sa loob ng 2 linggo upang agad din maipatupad ang maximum srp sa mga susunod na buwan at maging win-win situation sa panig ng mga seller at consumer.

Samantala, saad pa niya, sa kasalukuyan ay hindi na nila nakikitaan ng pagtaas presyo ang karne ng baboy sa ilang mga probinsya, maliban na lamang sa Metro Manila na kanilang binabantayan pa.

Dagdag pa niya, apektado pa rin ang produksyon ng karneng baboy nitong Enero hanggang Mayo dahil sa epekto ng African Swine Fever(ASF).