Dagupan City – Ang pagbibitiw ni Zaldy Co sa kanyang posisyon, kasunod ng pahayag ni Bise Presidente Sara Duterte na hindi na matatag ang administrasyong Marcos, ay malinaw na nagpapakita ng umiiral na pansariling interes ng mga nasa kapangyarihan.
Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, isang political analyst, kapansin-pansin ang hidwaan sa pagitan ng mga opisyal ng pamahalaan na hindi para sa kapakanan ng bayan, kundi tunggalian ng mga indibidwal na may kanya-kanyang interes.
Aniya, ipinapakita ng mga kaganapan na ang sigalot ay hindi nakaugat sa prinsipyo, kundi sa kung sino ang may kontrol sa kapangyarihan at pondo.
Sa halip kasi aniya na seryosohing pag-usapan ang mga isyung may kinalaman sa kabuhayan at seguridad ng mamamayan, ang nangyayari ay nagiging tila sarswela sa loob ng Kongreso.
Mapapansin din aniya na ang mga mambabatas ay mas abala sa pagbunuan ng sisi at pagpapakitang-tao, habang napag-iiwanan ang mga tunay na isyung dapat pagtuunan ng pansin.
Dadag pa ang pagsasantabi ng ilang mambabatas sa proseso ng pagsusuri sa pondo ng Office of the Vice President (OVP), matapos itong aprobahan nang walang interpelasyon, pagtatanong, o masusing diskusyon.
Dahil dito, hindi matitiyak aniya kung ang pondo ba ay mapupunta talaga sa mga proyektong makikinabang ang taumbayan.
Ipinaliwanag din ni Yusingco na ang insertions ay ang unlawful law na form ng pork barrel at nadeclare na ng korte suprema na unconstitutional kaya’t malaking katanungan na sinasabi ng mga mambabatas na okay lang yun gayong malinaw na hindi.
Samantala hinggil naman as pagbaba sa pwesto ni Zaldy Co, sinabi ni Yusingco na kahit anong gawin nito ay mahigirapan siya kung ang balak niyang gawin ay tumago lalo na’t ang nag-iimbistiga na sa kaniya ay Department of Justice (DOJ) at Office of the Ombudsman dahil nasa ilkalim na siya ng criminal cases.