Dagupan City- Ito ang ibinahagi ni Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan.

Ayon kay So, mataas man ang presyo nito noong mga nakaraang buwan dahil sa pagtaas rin ng presyo ng importasyon sa Thailand, na ang dating $585 per metric tons, ngayon ay umabot na sa $620 per metric tons, ngunit paglilinaw ni So unti-unti naman nang bumababa ito sa kasalukuyan.

Dahil kung mapapansin aniya, ang dating nasa P27 hanggang P28 na farmgate sa Pilipinas, ngayon ay nasa P25 hanggang P26 na, kung kaya’t inaasahan din ang pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado ng aabot sa P3 hanggang P4 kada kilo.
Kaugnay nito, nauna nang sinabi ni So, na kung ikukumpara ang bansang Pilipinas sa ibang bansa ay mas maswerte pa ito.

Kaugnay nito, isa naman sa binabantayan ng kanilang samahan ay ang presyo ng gasloina dahil aniya, siguradong makakaapekto rin ito sa pagtaas ng presyo ng palay.

--Ads--

Samantala, patungkol naman sa katanungan ng publiko na kung bakit pa kinakailangan ng bansa ang mag-import ng bigas sa ibang bansa, sinabi ni So, na nagdulot ng malaking epekto ang ginawang implementasyon ng dating administrasyon na ang naging solusyon ay pawang importasyon imbis na suportahan ang lokal na magsasaka para sa maayos na produksyon.

Mensahe naman nito sa mga magsasaka, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng pamahalaan ng fertilizer subsidy, at ang pagbibigay rin ng karagdagang irrigation upang suportahan ang mga ito.