BOMBO DAGUPAN- Inaasahan na umano ang pag’downthread’ sa palay ng mga lokal na magsasaka dahil sa magiging epekto ng pagpasok ng maraming imported na bigas sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura, sa ilalim ng Executive Order no.62, bababa ang imported rice sa P40-P45 para sa regular-milled.
Sa Kasalukuyan, umaabot na sa P45-P46 ang regular-milled rice habang tumatakbo naman sa P50-P52 ng well-milled rice.
Marahil inflation umano ang dahilan sa pag implementa nito, kailangan umano linawin ng gobyerno kung alin ang kanilang binabantayan upang matukoy ang mga apektado nito.
Maaapektuhan din kase aniya ang palay ng mga lokal na magsasaka kung dadami naman ang pagpasok ng imported na bigas.
Base kase sa tala ng United States Department of Agriculture, nasa 40.6 million metric tons o 92 Million bags ng bigas ang papasok sa bansa.
May katumbas umanong 400-thousand hectares ang mawawala sa 1-million MT na imported na bigas ang papasok. At lalo pa aniya itong lalaki hanggang 2028.
Samantala, suportado naman nila So ang ideya ni Department of Agriculture Secretary Tiu Laurel Jr. para sa P29/kilo na bigas.
Aabot umano sa P48-P50 ang ipapagiling na P28-P30 na palay at isasabidiya pa ito ng P20-P21/ kilo upang maabot ang nasabing presyo.
Kaugany nito hindi umano magiging pressured pa ang mga magsasaka at miller sa pamamaraang iyon, pati na rin ang mga consumer.
Giit din ni So na hindi dapat nagkakaroon ng problema ang mga rehiyon na kilala sa pagtatanim ng palay sa pagtaas ng presyo ng mga bigas, partikular na sa Rehiyon 1-5.