BOMBO RADYO DAGUPAN – Bumaba na sa 19% ang gumagamit ng tobacco sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sen. Benedict Nisperos, legal consultant ng Health Justice, ikinatutuwa man ng kanilang hanay ang pagbaba ng mga tobacco users ngunit katumbas pa din ng 22-25 milyon na mga naninigarilyo sa bansa ang nasabing porsyento.
Habang 19% din ang kalahatang populasyon ng mga kabataan na gumagamit ng e-cigarettes kung saan ay base sa kanikang imbestigasyon, naas 6-7 taon gulang ang pinakamababang edad na gumagamit nito.
Naniniwala suna Sen. Nisperos na naging epektibo ang programa ng pamahalaan sa pagbaba ng tobacco user, kabilang na dito ang syntax o pagtaas ng buwis sa produktong ito, ngunit, ikinababahala naman nila ang pagtaas ng kumokonsumo ng vape.
Aniya, base sa datos ng World Health Organization at Departmeot of Health, ito ay dahil sa dual user o ang mga tobacco user na lumilipat sa vape kapag hindi na ito makagamit ng tobacco. Kaya naman ay kanilang tinututukan ito.
Samantala, nais naman ng kanilang hanay na lalo pang higpitan ng Department of Trade and Industry sa kanilang pagpapasara sa mga seller hanggang sa manufacturer, at lalo na sa mga hindi nakarehistro.
Mainam aniyang makipagtulungan ang DTI sa iba pang sangay ng gobyerno tulad ng Department of Education, Department of the Interior and Local Government, at ang Department of Social Welfare and Development.
Nakikipag usap naman ang Health Justice sa mga nagbebenta ng mga nasabing produkto kung saan ay sinang ayunan din ng mga ito ang online banning ng pagbebenta at magmamarket ng vape at e-cigarettes.
Nais naman mas palawigin pa ng kanilang hanay ang kanilang advocacy hindi lang sa National kundi hanggang sa Local Government Unit dahil ang ibang sa mga ito ay ginugusto pa ang pagregulate ng produktong ito.
Bukod dito, sa paanyayang pagkomento ng Food and Drug Administration, dapat umanong i-ban na ang mga nagsasabi ng maling claim o ang mga nagsasabing mas ligtas at walang masamang dulot ang vape dahil hindi naman ito napapatunayan.
Dagdag pa niya, suportado nila ang Tailored Multi-sectoral approach ng gobyerno. Hindi lamang aniya nila sinusuportahan ang Harm Creation tobacco industry dahil lalo lamang aniya silang naghihikayat.