DAGUPAN CITY- ‘Cleansing’ kung maituturing ng isang political analyst ang pagbitiw sa pwesto ng ilang opisyal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mark Anthony Baliton, Political Analyst, maaaring paghamon ni Pangulong Marcos sa mga ito ang pagbitiw sa kani-kanilang pwesto kung sangkot ang mga ito sa katiwalian.

Aniya, pagkakataon ito na magpasok ang pangulo ng mas ‘credible’ at katiwa-tiwalang executives.

--Ads--

Gayunpaman, nakikitain din ito ni Baliton ng negatibong katingain tulad ng kawalan ng trust at confidence sa pamumuno ni Pangulong Marcos.

Mahalaga ngayon na manumbalik ang suporta at tiwala sa kasalukuyang administrasyon lalo na sa matinding kaganapan sa bansa.

Isa rin umanong kahihiyan para sa administrasyon kung mapatunayang totoo ang mga alegasyon laban sa mga nagbitiw na miyembro ng gabinete.

Samantala, mungkahi ni Baliton na manatili lamang sa pwesto ang mga napapatunayang aktibo sa tungkulin nito tulad ni DPWH Sec. Vince Dizon.

Sa kabilang dako, naniniwala si Baliton na mas lalala lamang ang sitwasyon sa lipunan kapag bumaba si Pangulong Marcos sa pwesto nito.

Mas mabuti aniyang tulungan ang pangulo at suportahan ang paglilinis nito sa katiwaliang umiiral sa bansa.