DAGUPAN CITY- Tiniyak ng Philippine Atmospheric Geographical and Astronomical Services Administration o PAGASA Dagupan City na hindi makakaranas ng sama ng panahon ang pagsalubong sa Bagong Taon
Ayon kay Engr. Jose Estrada Jr., Chief Meteorologist ng nasabing tanggapan, na wala silang namomonitor na Low Pressure area o sama ng panahon sa labas at loob ng Philippine Area of Responsibility.
Aniya na noong mga nakaraang linggo ngayong buwan ay pumasok na ang dalawang bagyo na siyang inasahan na papasok ito ay ang bagyong Querubin at Romina.
Saad nito na hindi aniya gaano nagkaroon ng epekto ang mga bagyong ito sa Pangasinan ngunit naranasan ito sa parte ng Visayas at Mindanao maging ang ilang parte ng southern Luzon.
Dagdag nito na nasa normal weather system ang nararanasan ngayon ito ay ang north east monsoon o hanging amihan kaya nararamdaman natin ang mababang temperatura.
Samantala, hindi naman aniya inaalis ang posibilidad na makakaranas parin ng localized thunderstorm at dagliang pag-ulan sa ibang parte ng bansa kaya paalala nito na palagi parin magdala ng panangga panlaban sa init at ulan.