Dagupan City – Nagpaalala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa publiko patungkol sa pormal ng pagdedeklara ng PAGASA ng pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.

Ayon kay Engr. Jose Estrada Jr., Chief Meteorologist ng PAGASA-Dagupan ito ay bunsod ng dulot ng Southwest monsoon na inaasahang tatagal hanggang sa buwan ng oktubre.

Binigyang linaw naman ni Estrada na ang deklarasyon ng La Niña sa isang probinsya ay ang sumailalim sa monitoring ng 5 araw na pagpatak ng ulan na umaabot sa 25 Millimeter rainfall o kaya ay nasa 1 Millimeter ngunit sa loob ng 3 sunod-sunod na araw.

--Ads--

Nauna nang idineklara ng PAGASA na ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa ay naranasan nitong mga nagdaang araw kung saan ay nagkaroon ng matinding buhos ng ulan sa timog bahagi ng Luzon at Visayas.

Kaugnay nito, nagpaalala naman si Estrada sa publiko na manatiling nakaantabay at magdala ng panangga panlaban sa init at ulan, huwag pumunta sa matataas na puno at poste ng mga kuryente dahi doon kadalasan tumatama ang mga kidlat at boltahe.