DAGUPAN CITY – Hindi pa inaalis ng Philippine Atmospheric Geophysical and astronomical Services Administration o PAGASA Dagupan ang tyansa ng posibleng paglakas ng tropical Depresyon o Bagyong Julian sa pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility.

Ayon kay Engr. Jose Estrada Jr. Chief Meteorologist ng nasabing opisina na sa ngayon ay wala pa namang epekto nito ang nararanasan sa lalawigan ng Pangasinan ngunit ang 525 kilometers east ng Itbayan Batanes kung saan may lakas ng hangin na nasa 55km/h at pagbugso na 70 km/h.

Aniya na inaasahang bababa pa at lalapit ito sa kalupaan ngunit sa ngayon ay wala pa namang tyansa na makapaglandfall sa Pangasinan at ilang lalawigan malapit dito.

--Ads--

Dagdag nito na baka lalakas pa ito dahil tumatahak ito sa karagatan kung saan kapag naglandfall ay baka maapektuhan ang Batanes, Cagayan at kalapit pang lugar.

Samantala, ito umano ang pang anim na bagyong pumasok sa PAR ngayong buwan ng Setyembre.

Binigyang diin naman nito na baka sa October 2 pa lalabas ng bansa ang nasabing bagyo.

Sa kabilang banda, nakataas naman ang gale warning sa ilang parte sa lugar kung nasaan malapit ang bagyo habang wala namang nakataas sa ating lalawigan ngunit pinapaalalahanan parin ang mga mangingisda sa kanilang pamamalaot dahil baka lumakas ang hampas ng alon.