Dagupan City – Mistulang hudyat na baka mas ma-engganyo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa foreign visits dahil sa pagkapasok ng pangulo sa 100 Most Influential People ng TIME Magazine ngayong 2024.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst/Constitutionalist, nakikita rin ang pagkakabilang ng pangulo bilang resulta ng kaniyang nagpapatuloy na pakikipag-ugnayan sa mga world leaders at sa assertive defense na hakbang sa West Philippine Sea.
Binigyang diin din nito na hindi man masasabing ‘direct reward’ ang nakamit ng pangulo ay maituturing pa rin itong reuslta sa kaniyang pagiging friendly sa Amerika.
Matatandaan na kinilala ng TIME Magazine ang mga hakbang ni Pangulong Marcos sa economic recovery matapos ang pandemya at ang pagsusulong nitong i-angat ang Pilipinas sa mundo.