DAGUPAN CITY- Dapat na palakasin ang pagbeberipika ng mga inilalabas na impormasyon ng mga mamamahayag lalo na at maraming magsisilabasang mga false information sa social media at ilan pang mga plataporma kung saan maraming mga nagsisislabasang impormasyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jonathan De Santos, Chairman ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng mga mamamahayag sa kanilang pagsusumikap na mag-verify ng impormasyon bago ito ipamahagi.

Aniya, isa itong malaking problema, lalo na’t ang mga creator na ito ay madalas magbahagi ng maling impormasyon galing sa kanilang mga opinyon na nagdudulot ng pagdududa sa publiko.

--Ads--

Dagdag pa niya, mahalagang huwag isawalang-bahala ang mga opinyon ng iba, lalo na kung ito ay batay sa kanilang personal na karanasan, ngunit kailangan ding maging maingat na hindi padalus-dalos sa pagpapahayag ng emosyon.

Samantala, ang mga mamamahayag, aniya, ay kailangang sumunod sa mga pamantayan upang matiyak ang kredibilidad ng mga balita na kanilang isinusulong.