Isang magandang development ang pag-uwi ni Filipino death row convict na si Mary Jane Veloso sa bansa ngayong araw matapos ang 14 na taon na pagkakakulong sa Indonesia.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco – Political Analyst bagama’t ay hindi naging madali ang proseso hanggang sa nagkaroon ng kasunduan ang Pilipinas at Indonesia para ilipat sa bansa si Veloso.

Gayunpaman, inaasahang magiging kontrobersiyal ang magiging desisyon ni Pangulong Marcos sakali mang gawaran niya ito agad ng clemency dahil kailangan niya paring itake into consideration ang magiging reaksiyon ng Indonesia lalo na at nakulong si Veloso sa ilalim ng kanilang legal system.

--Ads--

Bagama’t sa ating legal sysytem ay mukhang naserve niya na ang kaniyang sentensiya subalit kailangan paring balansehin ng pangulo ang kaniyang magiging desisyon.

Samantala, nagpapasalamat naman ito sa Migrante International sa lahat ng kanilang ginagawang hakbangin upang maprotektahan lahat ng mga migrant workers.

Umaasa naman ito na mas lalo pang pa-iigtingin ng gobyerno ang kanilang mga patakaran upang wala ng mabiktima ng human trafficking.