Dagupan City – Pinuri ng hindi lang mga Trump supporters o mga US citizens, kundi pati ang mga lider ng mga bansa ang naging pag-upo ni US President Donald Trump bilang ika-47 pangulo ng Estados Unidos.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Maria Luna Orth, Bombo International News Correspondent sa USA, bumuhos umano ang pagbati ng lahat ng bumoto kay trump, kung saan ay 80% sa mga ito ay itinuturing na biyaya ang kaniyang pag-upo.
Sa katunayan, sinang-ayunan aniya nila ang sinabi ni Trump na ang dasal niya at dasal ng publiko ay nasagot.
Aniya, ito na ang simula ng golden year ng Estados Unidos.
Samantala, patuloy naman ang pagtupad ng pangulo sa kaniyang pangako na pirmahan ang nasa 200 exececutive order sa bansa. At maglulunsad na rin ito ng malawakang immigration raid sa Chicago, New York at Miami. Kung kaya’t inihahanda na ang malawakang deportasyon sa mga gang at illegal migrants sa bansa.
Sa naging panunumpa naman ni Trump, na pinangunahan ni Chief Justice John Roberts sa loob ng Capitol Rotunda, ay ginamit ni Trump ang kaniyang personal na bibliya na siyang ginamit niya rin sa unang termino niya bilang pangulo noong 2017.