DAGUPAN CITY- Inanunsyo ng Commission on Elections o COMELEC Dagupam na maaari nang mag-update ng mga litrato at magproseso ng lahat ng registration services sa kanilang tanggapan.
Ang hakbang na ito ay upang tugunan ang mga isyu na dulot ng malalaking pagbabago sa hitsura ng mga botante.
Ayon kay Atty. Michael Franks Sarmiento ng COMELEC Dagupan, maraming botante ang nakakaranas ng problema sa kanilang mga litrato sa mga naunang registration dahil sa mga pisikal na pagbabago.
Mula ngayon, pwede nang pumunta ang mga botante sa COMELEC Dagupan para magsagawa ng picture update at iba pang registration services tulad ng pag-update ng mga personal na impormasyon, at pagpaparehistro para sa susunod na halalan.
Ang mga botante na nais mag-update ng kanilang litrato ay hinihikayat na magtungo agad sa opisina upang maiwasan ang anumang abala sa araw ng botohan.
Samantala, pinayuhan ang mga botante na magdala ng mga kinakailangang dokumento upang mapadali ang kanilang proseso sa opisina.









