Maituturing na isang magandang sensyales ang pag-papahintulot ni Pope Francis sa mga pari na basbasan ang same sex couples.


Ito ang sinabi ni Noreen Barber, Chairman of Trans Society of the Philippines. Ngunit dapat aniya ay ikonsedera muna ang mga kautusan sa bansa dahil sa kasalukuyan ay hindi pa hinog ang kaisipan ng mga publiko.


Binigyang diin naman nito, na magkaiba man ang union at marriage ay iisa naman ang layunin nito, at iyon ay ang pagbigkisin ang dalawang indibidwal.

--Ads--


Dagdag pa ni Barber, ang mga indibidwal na may kagustuhang maging isang babae ay nararapat lamang na bigyan ng identidad bilang isang babae, dahil aniya, ito na ang nagiging kilos, kaisipan, at kagustuhan ng isang indibidwal kung kaya’t marapat lamang na irespeto ito ng mamamayan.


Kaugnay nito, maari naman na payagan ang union sa bansa ngunit ibukod aniya ang marriage dahil ito ay isang sagradong usapin at pawang mga may kaalaman lamang sa holy scripture ang maaring magdesisyon sa nasabing usapin.


Samantala, masasabi naman aniya, na sa bansa ay hindi pa tuluyang tinatanggap ang same sex couples ngunit na-totolerate naman ang mga ito.