Maituturing na “generally peaceful” ang naging pagdiriwang ng Semana Santa sa lalawigan ng Pangasinan sa kabila ng ilang pagtala ng mga untoward incidents.
Ito ang inihayag ni Vincent Chiu , ang siyang Operations Supervisor ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), na sa kanilang isinagawang Oplan Ligtas Summer vacation 2022 o Oplan Sumvac ay naging pangkalahatang payapa ang lalawigan.
Aniya ang naturang aktibidad ay isinagawa para mas matiyak na ang minimum public health standards at kapayapaan at kaayusan para mapanatili lalo na sa mga tourist destinations o mga lugar ng pagsamba.
Kung kaya’t kanilang una rito ay nakapgdeploy na sila ng ilang mga personnel na siyang magbabantay sa iba’t ibang mga lugar sa Pangasinan at 24 oras din silang nakamonitor nang matiyak na hindi sila makapagtatala ng anumang klase ng insidente.
Ang kanilang isinasagawa ring monitoring ay ipagpapatuloy lalo na’t aniya ay nalalapit na ang Pista’y Dayat na isang malaking pagdiriwang sa lalawigan.
Sa ngayon ay patuloy umano ang kanilang koordinasyon sa iba’t ibang mga bayan kaugnay sa ilang mga ulat patungkol sa insidente ng pagkalunod.
Dagdag nito na kanilang Inasahan ang mas maraming tao ngayong taon dahil maraming mga tourism sites ang muling nagbukas kasunod ng dalawang taong pagsasara ng mga establisyemento dahil sa mahigpit na paghihigpit sa Covid quarantine.
Ilan sa mga bayan umano na dinagsa ay pawang nasa Western coasta areas ng lalawigan katulad na lamang ng Sual, Bolinao at Binmaley.
Nanawagan naman ito sa publiko partikular na sa mga turista na patuloy na makiisa sa mga awtoridad at panatilihing malinis ang kapaligiran lalo na’t dumoble umano ang naitalang basura sa ilang mga coastal areas sa lalawigan.