DAGUPAN CITY– Tinawag na “fake news” ni Region I Medical Center o RIMC Director Dr Joseph Roland Mejia ang pag-lockdown sa kanilang payward matapos na maisailalim sa quarantine ang umanoy 22 mga nurses at walong espesyalista ng pagamutan matapos maisolate doon ang isang Peson Under Investigation na kinalaunan ay nagpositibo sa Covid 19.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mejia na sa kabila nito ay sumailalim sa home quarantine ang mga nurses at doktor na tumingin sa naturang pasyente na iginiit naman nitong walang sakit bagamat kinakailangang sumunod sa umiiral na protocoal.

Ngunit tiniyak naman nito na babalik na rin ang mga ito sa trabaho habang ang iba ay nakabalik na.

--Ads--

Wala rin aniyang katotohanan na ginamit ng isang doktor sa katauhan ni Dr Jess Canto na dating director ng RIMC ang kaniyang impluwensiya para maconfine sa kanilang payward ang kapatid nitong nagpositibo sa Covid 19.

Dahil sa ginawang isolation room ang mga private rooms ng pagamutan ay doon nila ito dinala .

Tiniyak naman nito na hindi malalantad sa anumang panganib ang iba pang pasyente o mga empleyado ng pagamutan .

Bagamat inamin naman ni Mejia na na-reprimand niya ang infection control especialist nila base sa pagviolate ng kanilang protocoal .

Sa ngayon din aniya ay nasa RIMC pa rin ang naturang pasyente at nagrerekober na.

Sinigurado rin nito na ang mga nagbabantay na nurses and doctors sa mga PUI cases sa RIMC ay well trained at nakasuot ng Personal Protective Equipment o PPE category III.