Huwag paniwalaan ang naglalabasang usapin sa pag-Lockdown sa Lungsod ng Dagupan.

Ito ang naging pahayag ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim hinggil sa lumalabas na mga isyu na magla lockdown ang syudad dahil sa tumatataas na aktibong kaso ng Covid19.

Aniya, walang katotohanan na mailalagay sa lockdown ang syudad kahit pa nakapagtala ng all time record high na 404 aktibong kaso ng covid19 noong Martes matapos maitala ang 53 katao ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa loob ng isang araw.

--Ads--

Giit ng alkalde na ang Pangasinan Provincial IATF ay walang jurisdiction sa Dagupan City bilang isang Independent Component City at ang kanilang inilabas ay isang rekomendasyon lamang. Ang maakapagdisisyon lamang ng lockdown ay ang national IATF base sa kanilang assessment at datos.

Ayon pa kay Lim ang lockdown ay hindi na epektibo at hindi sustainable ayon sa mga experto at mga scientist.

Dagupan City mayor Marc Brian Lim

Inihalimbawa nito na ang NCR na nailagay sa ECQ ngunit tumaas ang kaso ng covid19 dahil patuloy ang pag operate ng transportasyon at patuloy na paggawa. Ang lockdown ay katumbas ng Pagbagsak ng ekonomiya dahil ang isang linggong ECQ ay equivalent sa 100 billion pesos pagkalugi ng gobyerno.

Ayon kay Lim, pangkaraniwan sa ngayon ang pagtaas ng kaso ng covid19 dahil sa presensiya ng ibat ibang variant partikular na ang Delta Variant Covid19.

Hindi lang ang syudad ng Dagupan nakakaranas ng pagtataas ng kaso ng nakakahawang sakit maski sa ibat ibang panig ng bansa.

Una rito may rekomendasyon ang Pangasinan Provincial Health Office na kapag naabot na ang 25% threshold ng Omnibus Guidelines ng National IATF ang mga barangay na nasa critical zone ay ilalagay “for lockdown.”