Nagpasa ng petisyon si Atty. Harry Roque sa korte suprema kung saan nakasaan ang pagkwestyon niya sa pag-issue ng arrest order ng House of Representatives quad committee laban sakaniya.
Nakasaad din sa petisyon ang paghingi niya ng tribunal para sa temporary protection order. Ito ang pipigil sa quadcomm para magpatupad ng arrest warrant at mag-isyu ng writ of certiorari at writ of prohibition para pigilan na i-require si Roque sa pagpapakita pa ng mga dokumento o pagdalo sa mga susunod pang pagdinig.
Matatandaan na pinatawan ng quadcomm si Roque ng contempt dahil sa pagtanggi nito na magsumite ng subpoena documents na nauugnay umano sa pagkadawit niya sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators.
Gayunpaman, iginiit ni Roque na naibigay na niya ang lahat ng mga impormasyon na kinakailangan at may kaugnayan sa subject ng congressional inquiry.