DAGUPAN CITY- Umani rin ng samu’t saring reaksyon mula sa mga kabataan ang pag-apruba ng House of Representatives sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Bagamat ito ay isang hakbang na nagpataas ng usapin sa politika, ilang mga indibiwal naman ang hindi pumapabor sa nangyari.

Ayon kay Jewell Angela Larosa Silaran, isang estudyante sa Lungsdo ng Dagupan. Aniya, walang sapat na basehan para pagtuunan ng ganitong hakbang ang kasalukuyang bise presidente. Ayon pa sa kaniya, marami pang mas importanteng isyu na dapat tutukan ng mga mambabatas kaysa sa pag-impeach sa bise.

--Ads--

Dagdag pa niya na posible ang pagkakaroon ng rally lalo na ang mga supporters ni Vp sara.

Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang mga diskusyon at opinyon ng mga mag-aaral ukol sa isyu ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Samantala, Ang mga sumusunod na araw ay magbibigay linaw kung ano ang magiging epekto nito sa politika at sa pananaw ng mga kabataan sa gobyerno. Ang mga mag-aaral ay umaasa na ang kanilang mga saloobin ay mapapansin at mabibigyan ng pansin ng mga mambabatas sa mga susunod na hakbang.