Hinihikayat ng International Criminal Court (ICC) na lumapit sa Hague-based tribunal ang mga indibidwal na may alam kaugnay sa mga nagawang krimen noon sa kampanya kontra ilegal na droga ng Administrasyong Duterte.
Sa isang public notice na inilabas sa parehong liggwaheng Filipino at Ingles, tinatawgan nila ang mga potential witnesses na magbahagi ng impormasyon kaugnay sa mga krimen na may paglabag sa sangkatauhan, kabilang na ang pagpatay, torture, at sekswal na karahasan na nangyari sa pagitan ng Hunyo 2016 hanggang Marso 2019.
Muli rin nilang ipinanawagan ang kanilang pag-apela sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies na sangkot sa drug war operations.
Naglunsad naman ang ICC ng isang website para sa mga interesadong tumayo bilang witness. At kanilang tiniyak ang confidentiality nito.