Muling ipinaalala ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang kahalagahan ng masusing pag-iinspeksyon ng mga kinauukulan sa mga dumarating na mga meat products sa bansa partikular na sa karne ng manok.

Ito ay matapos maiulat ang ilang kaso ng bird flu sa panig ng Europa at ilan pang panig ng mundo.

Ayon kay Engr. Rosendo So, presidente ng nasabing grupo, kanyang sinabi na dapat mas pag-igtingin pa ng Department of Agriculture at Bureau of Customs ang pagbabantay sa mga boarder control points ng bansa nang sa gayon ay hindi na maulit pa ang naging problema ng Pilipinas sa African Swine Fever.

--Ads--

Kailangan umano ay mabantayang mabuti ito nang kinauukulan upang matiyak na wala nang maging outbreak dito sa bansa.

Saad pa ni So, mas maigi na umano na maagang maghanda ang mga opisyal sa bansa upang maiwasan na ang mas malaking problema ukol sa nasabing sakit.

Engr. Rosendo So