BOMBO RADYO DAGUPAN – Hindi makapaniwala at tila kaduda-duda.


Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Alyas “Marga”, biktima umano ng hinihinalang maling katiwalian sa Immigration, ganito ang kaniyang naramdaman nang makausap ang isang kawani ng Immigration at pagalit itong hingan siya ng nagkakahalagang P100,000 upang malinis ang pangalan niya at ng kaniyang American Fiance sa maaaring ikaso sa ilalim ng Republic Act no. 9160 o Anti-Money Laundering Act.


Sa pagsasalaysay nito, umuwi ng bansa galing Dallas, U.S ang kaniyang fiance noong ika-7 ng Pebrero at nakarating ito kinabukasan.
Ngunit pagkarating aniya nito sa bansa, hindi ito pinalalaya sa opisina ng Immigration dahil sa dala nitong P4 Million na gagamitin sana nila sa kanilang kasal at pagbili ng ari-arian.

--Ads--


Ipinagtataka naman ni Alyas “Marga”, idinadawit din siya bilang kasabwat umano sa nasabing kaso.


Tinanong niya pa ito sa immigration kung sa dinalang pera ng kaniyang Fiance kukunin ang danyos ngunit, sinasabing hindi maaari dahil ang pera ay kinumpiska at sumasailalim sa imbestigasyon.


Hindi rin tugma ang sinabing sa Cebu umano ang opisina ayon sa kausap nito sa Immigration sapagkat, ayon naman sa kaniyang Fiance, nasa Manila International Airport ito.


Samantala, nakilala niya man sa dating application, malaki ang tiwala nito sa kaniyang fiance.


Humihingi naman ito ng tulong sa kinauukulan upang makumprima ang pagkatotoo ng nasabing immigration office.